Travels

Friday, July 23, 2010

sample lang ito

sample lang. Wow! ang galing naman. gumagana na ulit ang import/ export system ng multiply to blogger. yehey! :) masaya ito...
hrmm.. ano ba ang magandang ishare. oh.. eto... lately, nagpupunta kami nila ate aimee sa NUGA BEST CENTER para magpa- moxibustion therapy.. so far so good. :) maganda ang feeling after ng therapy. although ayoko munang magshare kung ano ang mga pagbabago sa katawan ko kasi gusto ko sure na ako bago ako mag testimonial sa kanila. i want to make sure na hindi lang "psychological" ito. hehe. Irerecommend ko talaga ang free therapy na ito sa mga matatanda na may mga masasakit sa kanilang katawan at sa mga kabataan na hypochondriac o sa mga tanong may sakit. BASTA! pag mas marami pang magagandang pagbabago, saka na ako mag sshare ng testimonial. hehe. so, eto palang ang ginagawa ko sa buhay...

naghahanap ng trabaho? nako dapat ay maghanap narin ako. sa aug may training ako sa redcross so hindi naman idle habang nagaantay.

yun lang so far. next week, pramis papacheck na ako sa doctor. sa monday! as in sa monday! hindi na ako magpapaligoy ligoy pa... tas dadalhin ko narin ang laptop ko sa service center... kainis. hardware pa ata ang may problema. tsk tsk.

pang good mood naman, mag pho-photoshoot narin ako ng nature. sana lang hindi tag ulan.. hrmm... peroooo, magandang concept ang ulan sa shooting... hrmmm.... next week din yan

oonga pala... nag promise din ako sa blog ko na gagawa ako ng testimonials sa mga nakatutuwang lecturers ng RCAP. salamat sa kanila talaga. kung ano man ang result na lalabas, pasalamat parin ako sa mga inputs na binigay nila samin. at masasaya silang tao. kaya they are very likable. sana ang memory nila ay hindi mabura sa aking isipan... sana maiinspire parin ako pag maisip ko sila... parang pag naiisip ko si Sir Hen at si Dra. Daza, nakakainspire sila talaga pag dating sa larangan ng medisina at narsing dahil makikita mo talaga ang dedikasyon nila sa kanilang trabaho... hindi basta basta... kaya lubos parin ang aking pasasalamat sa kanila. :) amen.

sana ang mga plano ay hindi mapako. bow! hehe.

No comments:

Post a Comment

say whut?