Travels

Tuesday, June 28, 2011

Welcome Back ERT!!! (late post)

ikkwento ko lang ang muling pagkikita namin ni ert at ayi nuong June something 2011. galing si ert sa indonesia. umuwi sha dahil school break doon. si ayi naman ay nanggaling sa trabaho.. pagsinabi naman "trabaho ni ayi", kahit saan. kahit nasa kapihan yun, kahit nasa mall, nagtratrabaho. basta't may laptop lang.dahil sabik ako makita si ert, lumuwas ako sa manila para makapag hapunan kasama sila kahit meron akong pasok ng 6am kinabukasan. nagkitakita kami sa Coffee bean and tea leaf sa may gateway mall sa cubao. buti naman at nakarating ng matiwasay. sumunod ang ayi. ang lola mo ay naka shorts! ika nga nya, "try it. it's liberating." ayan ang quotation of the night.
Wala pa si ert kaya sha muna ang pinag usapan namin. marami kasi shang issues tungkol sa you-know-what. pinagusapan na namin ang mga opinion namin tungkol ke papa tabs. may mga hand gestures pa kaming nalalaman. at mejo malakas pa ang boses namin.
dumating ang ert.... nakipag beso beso sa isang babae sa kabilang table. isang katrabaho pala mula sa kanyang pinanggalingang bansa!!! inay ko po! sana hindi nya narinig ang pinaguusapan namin. booyah!
nakakagulat ang kapulahan ng buhok ni ert. dahil hindi pa ako nakarating ng cubao expo, nag request ako na sana duon kami kumain. ang buong akala ko, ang cubao expo ay isang kapihan o kainan kung saan maraming mga artifartsy stuff. hindi pala. isang hanay sha ng mga gusali na may sari saring laman. may restawran, bilihan ng sapatos, may museum at inuman. kung ano ano...
napadaan kami sa isang italian restaurant. mahal ang mga mga pagkain. pero sige.. tinira narin namin dahil hindi ko feel don sa sisigan (ang arte ko no). at para iba naman. Ang ganda kasi sa loob nung italian restaurant. mabango... cozy... tahimik. maganda talaga ang ambiance. tipong puntahan ng mga nag d-date.
ang aking i-n-order...
parang ravioli. may meat at mozzerella cheese sa loob topped with tomato sauce... masarap? hrmmm... masarap naman. maalat lang. kaya nilagyan ko ng konting tubig. sabay lumapit yung italianong may ari.. "is the food good?".. sabi ni ayi, "the food is great!" hrmph... sana sinabi ko maalat. pffft. para naman mas ma satisfy ako. dibale. next time (kung may next time pa). pag fine dining, wag mahiyang mag sabi na hindi masarap ang pagkain. :D
hagikhikan kami sa hapagkainan habang pinaguusapan si papa T. kami lang ata ang maingay don... botong boto naman kami kay papa J para kay ert. hehehe. si ayi, mukhang may balak pa agawin si papa j.haha. hang hot kasi.
so bale, duon lang umikot ang mga istorya namin sa buhay buhay. wala naman akong makwento tungkol sa lovelife ko. e sa wala ih! pero ayos lang yun.
pagkatapos, nagkape kami sa Coffee Bean and Tea Leaf AT nakipag skype kay Mygz. Si papa T parin ang napag usapan. Hottest issue kasi. hahaha! :D

10:00pm na ako nakasakay ng bus. last trip. buti maka abot ako!

No comments:

Post a Comment

say whut?