Travels

Saturday, September 03, 2011

Ang Daming Panget

"Mga babae talaga..."
ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ang mga lalaki ay nagsasabi ng gantong mga kataga. tayong mga kababaihan, minsan, magulo talaga ang pagiisip (o baka ako lang yun). *tok tok tok*

Anyway...

haaay gusto kong magrelax... feeling ko hindi naman ako natoxic sa ER. kahit ang daming dumating na panget. PANGET! may VA, gunshot wound, meron barado yung airway... yung isa, di na na- revive. yung isa, ewan. dapat tinubuan na sha, sisinghap singhap na kasi. late na nung binawi yung "refuse to intubate". sana na revive parin.
sikip sikip don sa surgery area. nakaka amaze paano gumalaw yung mga nars at doktor sa napakaliit na lugar. para lang kaming naglalaro ng doctor kwak kwak. feeling ko mag bubuhol buhol yung mga ECG at BP app, IV line at kung ano pa ang nakasukbit sa pasyente, pero hindi, very organized. ang galing nga e. dapat malaman ko pala ano dapat ang mga gamit na dapat iready kapag may panget. basta naobserve ko, hila agad ang ECG, ambobag, swero, laryngoscope, BP app.. ngerk, hindi ako nakapag CPR o nakapagbukas man lang ng epi. hehe. 10pm na kasi e. lumayas na ako. busy busy pa sila don. ang dami na nila.
isa pang weird sa araw na to. ako lang ang pumasok sa circle of friends namen. wala si mark, kim, marj, lyn, etc. nalungkot ako bigla kasi feeling ko, ako yung bago dahil may mga taga DOLE. dahil bago sila, feeling bago din ako. nakilala ko si Rose, bagong pasok sa hospital. DOLE. mabait naman sha.
weird... alam ko na.. nararamdaman ko na ang transition. na mawawala na kame... waah. nalulungkot ako!!!
pagkalabas ko ng hosp, nakita ko si anchie at si emman. gusto ko pa sana tumambay, kaso nga lang gabi na. kaya, umalis narin ako.
nawirdohan lang ako ngayong araw nato. at sa mga panahong nagdaan. ayoko na maging melancholic. may kasabihan nga na, being happy is a choice. i choose to be happy. it's ok to feel sad, but it's unhealthy to prolong the agonizing feeling. diba??? dibaaa????
mula ngayon, magiging masaya na ako. lahat ng tao, kaibigan ko. hindi na ako mapapraning kung ano ang tingin nila sakin. basta ako, i'll be myself, just like before. :D and i will do my best in everything i do. i shall keep the faith.
amen! bow! :D
ok naring yung hospital week. pero sana mas may oras pa para makipag bonding kasama ang group ko at ibang groups. haaay.. naluluha ako ng bahagya.
again... happiness is a choice.....

Friday, September 02, 2011

Bad Bad Bad

Petchai, you are so good at shooing away people. i know you don't mean to do it. But you are just soo good at it!
Bad bad bad.

Tuesday, August 30, 2011

Encore... TALBOG!!!

Talbog ang Encore! :D
Kid's birthday party turned into a Dance club! hahaha! san ka pa!?
birthday ng anak ni nicah. Ang daming handa! dami daming food pero kami lang na mga co-volunteers ang imbitado.
hindi pa nga lahat ay nakarating. si marj, mark, kim, lyn, reg at darlene lang ang andon. hindi na nakarating yun iba siguro dahil may duty.
Pagkatapos kumain, videoke and t-ice time na! hrmm, badtrip ako pag nagvvideoke. hindi ko matandaan yung mga title ng gusto kong kantahin... pati lyrics, nawawalang parang bula!
Videoke at alcohol, parang kanin at ulam yan. parang masmasarap humiyawhiyaw pag ika'y tipsy, agree?
Bumuhos ang matinding ulan. nag-brown out. natigilan. walang magawa. dapat mag chichikahan ng da-who. hahaha... biglang nagka-koryente! sabi ko sa kanila, next time, party party tayo, yung may sayaw naman! agree naman silang lahat sakin at excited pa... at dahil don, we brought the party DOoooWN! yeah. lol!

Na-daig ang Encore! hahaha. parang instant noodle soup ang instant party namin... Party music jan, patay ilaw, labas ang cellphones (props pang ilaw) at dance floor dito! shempre, mawawala ba naman ang documentation team? shempre ako yun! PICTURE!
Bahahahaha! the party was over at 8:30pm.

awesome!

Friday, August 12, 2011

Last 2 weeks

"dalawang linggo nalang tayo mag d-duty, magaabsent pa tayo? wag na!", narinig ko sa isa kong kasamahan.
Dalawang linggo... parang nalungkot naman ako bigla. ang bilis naman ng panahon. dati, parang nakakabugnot pumasok araw-araw at mag trabaho sa napakainit na hospital, lalo na kapag night duty. pffft.
ang weird lang kasi nag e-emo ako. haha.
mamimiss ko lang tong mga to. mamimiss ko mga topak.
Tingnan mo naman ang mga mukha. hahaha!
shempre, hindi pa yan kumpleto.
sabi nga ni kim, bat kung kelan pa patapos na ang LPH days, saka nagkakabonding bonding ang mga tauhan. (ngayon lang kasi nagkaron ng mahabang bonding time dahil sa sports fest. sana nga e nakapaglaro din ako ng isports... kung hindi lang ako hinihika nung mga panahong iyon).
sana nga lang, nakachika ko din yung mga interesting people sa aking palagay. hehehe.
anyway....
hay naku, my friends... hanggang sa muli! Good luck sa ating lahat!

Wednesday, August 03, 2011

Bucket list (the simple version)

a bucket list...
1. red hightlights (hair)
2. make a coffee table book about photography
3. date a guy. haha! yihi!
4. travel abroad
5. get my chubby cheeks back
6. donate stuff
7. learn to ride a skate board
8. go to the beach and surf!
9. play djembe in a drum circle... again!
10.curl thy hair and wear a skirt :)
Ang babaw lang no? yan muna yung mga simpleng bagay na gusto kong gawin (short term basis). palagay ko ay feasible naman yan. si ayi ang nag suggest na gumawa ako ng ganto dahil sa panaginip kong weird (blog entry entitled "kasal bangungot"). ang panaginip daw na yun ay isang wake up call na dapat magkaron ng pagbabago sa aking buhay... new beginnings nga daw sabi ni yiton.


Sunday, July 31, 2011

FEATI Cosplay and FPPF judging

Ha! nakakatuwa naman. feeling ko nanalo ako ng scratch a lotto kanina ng nalaman kong napapasok sa top 30 ang isa sa mga na submit ko sa fppf. :D nakakatuwa. akala ko disqualified ang aking mga obra dahil mejo may pagka 3d at 2d yun. nagulat nga ako at nasa group ng mga isasalang yung bubble like chandilier ko. sabi ko pa nga na kung hindi man ito matanggap, ireregalo ko ito sa aking kaibigan na may kaarawan. hehehe. kahit top 30, parang isang malaking karangalan narin na napansin kahit papano ang aking litrato. yahoo! :D
eto yung nakapasok. :D
isa pang nakakagulat na pangyayari, biglaan naman ako napasali sa boggle competition ng fppf. mehn naman. hindi naman po ako prepared. nakalimutan ko na kung paano maglaro ng boggle. tas bawal pa ang 4 letter word. pffft.. anyway. natuwa naman ako kahit papano. parang get together at katuwaan lang ng mga kapwa photog.
serious na serious naman sila. hahaha! ako parang "nooninooninooo" lang... nagmamasid sa mga mukha nilang seryoso. nyahahaha. sa set 3 lang ako mejo may nai-contribute. hehehe.
eto nga pala yung banner na may logo kami! hihi! ayos!
bago pala namin tinahak ang maulang tanghali papunta sa fppf, nagpunta muna kami sa FEATI para suportahan si Mez sa pagkuha ng litrato ng mga cosplayers. haaay... nakakapanghinayang ang iskwelahan nila. alam kong maganda dapat ang plano sa architecture ng gusali nila. mukhang naubusan ng funds at hindi na pinagpatuloy ang paggawa. ruins ang school na iyon. tskkk. kala nga namin ni cher keneth, merong swimming pool sa loob. yun pala, binaha lang.

hindi pa naman nag simula kaagad ang pageant. mga alas dos daw nag simula. pero alas tres na kami umalis ni cher keneth mula sa fppf pabalik ng feati.
Hindi ko hilig mashado mag picture ng mga cosplayers noon... . pakiramdam ko pa ay wala akong mga pondo sa aking pinagkukuha kanina. pero nuong ni-review ko yung mga litrato, ok pala.. mukhang tunay na anime sila sa litrato...

hahaha...
pero, ayun nga... dahil inabot kami ng mabagal at nakakainip na trapiko, may oras para mag munimuni at mag kodakan sa loob ng bus.
Malulan sa labas
NAG-ENJOY DIN AKO! shempre dahil nakita ko si Mez at RJ. Thanks Mez, sa pag-invite! sa uulitin. :)

ok naman ang lakad namin. kulang nga lang dahil"
1. hindi ako nakaattend ng birthday celebration ni mark. pffft. i feel bad about it.
2.hindi kami nakarating sa BGC para sa canon seminar (ayos lang at hindi naman talaga aabot)
3. ... okaya, baka ang dahilan kung bat ko gusto pumunta sa BGC ay para makaranas ng magandang tanawin at malamig na aircon na hindi ko nakamit kanina.

si cher keneth, hindi pa tapos ang araw nya (gabi rather) dahil magkukuha pa sha ng litrato ng rap group na kiriko. album launching kasi nila.

Friday, July 29, 2011

Kasal bangugot

"Lord, salamat. panaginip lang!".
Yan ang unang dasal ko pagising ko kaninang umaga. nuon lang yata ulit akong gumising na naka kunot ang noo. ang sama kasi ng panaginip ko.
Kinasal daw ako sa isang lalaking hindi ko kakilala. siya ang pinakasalan ko dahil yung gusto ko raw ay hindi na "pwede". yung lalaki, kamukha ni bo sanchez. eksato, may nunal din. sabi ko, mabait naman e. sha nalang. at least pwede. andon nga si ate madie (ang role nya daw ay tumulong sa pag decide kung ano ang gagawin ko)..
tinawagan ko daw si bo sanchez look-alike para tanungin o magpropose. aba, at pumayag ang bruho.
so, ayun. kinasal na daw sa huwis. pagkatapos ng kasal, sa hallway, nakasalubong ko sha. sabi ko, "hi husband." at nag high five kami. mehn, ang gaspang ng kamay! isip isip ko, yan ba ang lalaking pinakasalan ko???? OMG! sabi pa nya, "uwi na tayo."... sa loob loob ko, AYOKO NGA!!!! waaah!!!!
"Ano ba ang pinasukan ko???"... at may problema pa pala! hindi alam ni mommy at daddy na kinasal ako! talagang sa panaginip e namumrublema pa ako kung paano sasagutin ang mga tanong na what? who? where? when? how?

hindi ko na nga narinig ang pag alarm ng cellphone ko. 6:05am na ako nagising! booo!

Monday, July 25, 2011

Just another Spaghetti day

it was nice to see the tanders again. Hindi nga lang lahat ang naka dalo.
Si ate aimee, buntis and happy. si ate rizza, slim and single! haha. si aiza, blooming at madaming boylets. si kaye, sarah g. fan parin at namimilog. yung iba, hindi ko na invite. sobrang pagod ako nung araw na yun. wala pang tulog pero nag prepare parin ng spaghetti para sa kanila. spaghetti day e. habang nag hihiwa ako ng sibuyas, lumulutang na ang diwa ko.
habang nanonood ng "the tourist", nakatulog. ang naabutan ko nalang e yung imprtanteng parte ng pelikula, YUNG HULI! pffft... kainis. hindi ko tuloy na enjoy ang movie. hindi narin ako mashadong nakapagkwentuhan at antok mode plush allergies pa. hinika na ako. hay buhay. ayun lang.
sige lowbat na tong laptop ko. next time na ule.

(sorry, walang picture. bangag e)

Antique Shoot

hindi ko nanaman alam kung paano ko sisimulan tong blog nato. nagtatalo ang isip ko kung english o tagalog ang gagawin ko. gusto ko kasing magkwento tungkol sa photoshoot ni reg kasama si ate madie, mark at keneth.

First time daw ni reg mag pose for the camera pero hindi kami makapaniwala dahil very natural sha magpose. parang marunong na. wala kaming kahirap hirap mag instruct sa kanya. nakakatuwa. :D
nakakatuwa din dahil si mark ang official photographer ni reg. andaming pondo ni mark, in fairness. :D debut naman ni ate madie sa world of fashion photography using her new DSLR. naks! at pumondo naman agad. si cher keneth naman ay sumunod. as usual, panalo shots ulit. ako? hrmmm. sinong hindi pumondo? lol. sa palagay ko meron din naman akong nicer shots (in my opinion). hindi narin akong nag atubiling mag post process dahil natuwa naman ako sa photoscape. ang tema dapat ni reg ay retro jetsetter. lumihis ng kaunti sa napagkasunduan. mas nagmukang model sha ng retro apparell. para naman mag mukhang luma, gumamit nalang ako ng antique filters. ayun. sakto. nagmukhang luma. wiiipiii! for me panalo na yun. :) may mga naglike naman na hindi ko ineexpect na mag like sa facebook kaya nakakatuwa. :D
pagkatapos ng isang maaksyon at nakatutuwang kodakan. nanlibre si ate madie ng andoks dahil birthday nya. ;) nakakahiya nga dahil bago yun, napagtripan ko kanchawan. sabay bawi naman ako at sabi ko kami nalang bahala sa aming ulam. pero, hehehe, nanlibre parin. ok narin. celebration narin yun. tuwa lang naman ako at palagay ko, over all e masaya naman sila.

nakapasok pa kami ni mark ng 10-6am. :) umuwi naman ako kinabukasan sa calamba para imeet sila aiza and the rest of the tanders. miss ko na kasi yung mga yun... that's another story.

Friday, July 01, 2011

Attempted: Saranggola ni Pepe

Saranggola ni Pepe.... what shall i do in this assignment? I tried to go photowalking this morning to take pictures of anything that may interpret the song "Saranggola ni Pepe" for my assignment in FPPF. i guess it just turned out to be a plain photowalk in the morning.
IMG_7755

Good morning!

Tuesday, June 28, 2011

Bloody Mary

IMG_7736 by nanaxiu
IMG_7736, a photo by nanaxiu on Flickr.

This was one awesome shoot! The location was perfect. the models were great (costume/HMUA). The team work of Klik was remarkable. oh.. and i did STROBING for the first time!!! :)

I had issues with the framing since we were engulfed by darkness. I a.m happy with the outcome

Big thanks to Mam Chix Rempillo for doing the HMUA and for providing the wardrobe. Big thanks to Sir Byords for discovering such a creepy location and to our models Red, Gem and Chiaw Fei. Their poses were effortless! thanks to the lightmen (who are also photographers), cher keneth and dadiz!

i would like to thank my sponsors and ricky reyes for my hair and make-up (joke.. nag ffeeling showbiz lang. lol)

more more more!

Ballet (late post)

IMG_6570
This was one of our biglaan shoots. thanks to mam Chix's students for letting us capture their talent through our lenses. thanks to mam chix for organizing the shoot. and to sir wacky for giving tips on how to use flash. :) it was a great spontaneous shoot. bitin nga lang. :)

Saranggola ni Pepe

Another PWC Challenge: Interpretation of the song SARANGGOLA NI PEPE by Celeste Legaspi... Think... think.. think... here's the lyrics.

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Umihip ang hangin, nawala sa paningin
Sigaw ng kahapon, nilamon na ng alon
Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre
Maingay ang taginting, rosaryo ng babae
Nay... nay... nay... nay...
Nay... nay... nay... nay...
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/c/celeste_legaspi/saranggola_ni_pepe.html ]
Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Hinuli ang ibon, pinagsuot ng pantalon
Tinali ng pisi, hindi na nagsinturon
Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye
Mauling ang iniwang hindi na tinabi
Nay... nay... nay... nay...
Nay... nay... nay... nay...

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit
Pinilit umawit, ang naglaro'y isang ingit
Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod
Sumusuway sa utos, puso'y sinusunod
Nay... nay... nay... nay...
Nay... nay... nay... nay...

More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/c/celeste_legaspi/#share


Welcome Back ERT!!! (late post)

ikkwento ko lang ang muling pagkikita namin ni ert at ayi nuong June something 2011. galing si ert sa indonesia. umuwi sha dahil school break doon. si ayi naman ay nanggaling sa trabaho.. pagsinabi naman "trabaho ni ayi", kahit saan. kahit nasa kapihan yun, kahit nasa mall, nagtratrabaho. basta't may laptop lang.dahil sabik ako makita si ert, lumuwas ako sa manila para makapag hapunan kasama sila kahit meron akong pasok ng 6am kinabukasan. nagkitakita kami sa Coffee bean and tea leaf sa may gateway mall sa cubao. buti naman at nakarating ng matiwasay. sumunod ang ayi. ang lola mo ay naka shorts! ika nga nya, "try it. it's liberating." ayan ang quotation of the night.
Wala pa si ert kaya sha muna ang pinag usapan namin. marami kasi shang issues tungkol sa you-know-what. pinagusapan na namin ang mga opinion namin tungkol ke papa tabs. may mga hand gestures pa kaming nalalaman. at mejo malakas pa ang boses namin.
dumating ang ert.... nakipag beso beso sa isang babae sa kabilang table. isang katrabaho pala mula sa kanyang pinanggalingang bansa!!! inay ko po! sana hindi nya narinig ang pinaguusapan namin. booyah!
nakakagulat ang kapulahan ng buhok ni ert. dahil hindi pa ako nakarating ng cubao expo, nag request ako na sana duon kami kumain. ang buong akala ko, ang cubao expo ay isang kapihan o kainan kung saan maraming mga artifartsy stuff. hindi pala. isang hanay sha ng mga gusali na may sari saring laman. may restawran, bilihan ng sapatos, may museum at inuman. kung ano ano...
napadaan kami sa isang italian restaurant. mahal ang mga mga pagkain. pero sige.. tinira narin namin dahil hindi ko feel don sa sisigan (ang arte ko no). at para iba naman. Ang ganda kasi sa loob nung italian restaurant. mabango... cozy... tahimik. maganda talaga ang ambiance. tipong puntahan ng mga nag d-date.
ang aking i-n-order...
parang ravioli. may meat at mozzerella cheese sa loob topped with tomato sauce... masarap? hrmmm... masarap naman. maalat lang. kaya nilagyan ko ng konting tubig. sabay lumapit yung italianong may ari.. "is the food good?".. sabi ni ayi, "the food is great!" hrmph... sana sinabi ko maalat. pffft. para naman mas ma satisfy ako. dibale. next time (kung may next time pa). pag fine dining, wag mahiyang mag sabi na hindi masarap ang pagkain. :D
hagikhikan kami sa hapagkainan habang pinaguusapan si papa T. kami lang ata ang maingay don... botong boto naman kami kay papa J para kay ert. hehehe. si ayi, mukhang may balak pa agawin si papa j.haha. hang hot kasi.
so bale, duon lang umikot ang mga istorya namin sa buhay buhay. wala naman akong makwento tungkol sa lovelife ko. e sa wala ih! pero ayos lang yun.
pagkatapos, nagkape kami sa Coffee Bean and Tea Leaf AT nakipag skype kay Mygz. Si papa T parin ang napag usapan. Hottest issue kasi. hahaha! :D

10:00pm na ako nakasakay ng bus. last trip. buti maka abot ako!

Lighting practice with Cher Keneth (late post)

IMG_5977
Cher Keneth was asking to borrow my remote trigger for his brand new flash. he ended up buying it. he'll change the thing with a new one.

Might as well try the new gadget. yeah yeah! :D

Flicker

Bakit ngayon ko lang na-discover ang flickr??? mula ngayon, sa multiply, flicker at facebook nalang ako maglalagay ng mga litrato. sa multiply, organisado ang paghahanay ng mga litrato doon. kaya ang sarap balikan at tignan. sa facebook naman, masayang mag lagay ng litrato dahil may nag ccomment. sa flickr, mas madali ang uploading at pwede pa ilagay dito sa blog. sana lang hindi nila tanggalin pag dumating na ang panahon na maka 200 shots ako. sabi ni ate rochie, 200 pictures lang daw ang nakikita sa photostream. pero na reretrieve parin naman. yun lang gusto ko lang ishare. :D

pero ibang usapan ang website. mga magagandang pictures lang ang ilalagay ko sa wix ko at sa shutterfly. :)

The RedHeads

IMG_7449IMG_7506IMG_7507IMG_7509IMG_7535IMG_7510 IMG_7534IMG_7511IMG_7533IMG_7512IMG_7532IMG_7513 IMG_7515IMG_7450IMG_7464IMG_7516IMG_7466IMG_7454 IMG_7519IMG_7467IMG_7469IMG_7520IMG_7456IMG_7470

The RedHeads, a set on Flickr.

Talking about life in general. :D

Sta. Cruz Family

IMG_1366IMG_1363IMG_1361Trisha and JustineIMG_2992"tita anna, STOP!" IMG_2987Tina and CarloFamily in Sta. CruzIMG_297094 year old lola had her haircut.

Sta. Cruz Family, a set on Flickr.

These are some of the pictures i took while i am staying here Sta. Cruz. :)

Social Networks

Waaaaah!!!! Ang dami ko na talagang social networks. Pero hanggang ngayon, hindi parin ako marunong makipag sosyalan. hehehe. Eto. I-lilista ko nang mga sosyalan networks ko...

Pang Public eye
http://www.wix.com/annacuevas/ac#!
http://nanaxiu.shutterfly.com

Pang sarili (blog and picture storage ito):
nanaxiu.blogspot.com
nanaxiu.multiply.com

Purely picture storage lang:
Photonski.com
flickr.com
Photobucket.com

sana tanda ko pa ang mga log in information ko. hehehe.



Dear Multiply

I consider nanaxiu.multiply.com as my personal website. i upload my pictures and blog (at times) here. it's cozy in here. :) Several months ago, i tried uploading some of my picture and it said i have to upgrade my account so i can continue uploading pictures. it frustrated me cos i thought it was free to stay here. i did not login here for quite some time.

today, i tried uploading just 3 photos... it uploaded!!! :D yey! well, maybe because it was just 3.

Anyway, i miss you, multiply. if i cant upload too much, then i'll just blog. :)