Travels

Sunday, May 27, 2007

saya ulit

natututwa talaga ako sa mga sandaling pagsasama namin nila ert at mygz... ngayun nadagdagan pa dahil mukhang madalas ko narin makikita si tin bats! sa makati na kasi sha nagwwork. sa wakas at narealize na rin nya ang kanyang freedom.... teacher parin sha pero koreans na ang tinuturuan nya... si ert, siguro after a year ko pa ulit makikita kasi babalik na ulit sha sa ateneo de naga. si mygz anjan lang sa makati pero baligtag ang oras! at ako naman, walang oras para sa mga gimik dahil magaaral ako buing magdamag.... therefore, hindi rin pala kami magkikitakita! omigosh.. ok... pero, just the same, sa saglit na pagkikitakita namin ay nakakagaan ng loob. kahit sobrang tagal nyong hindi nagtagpo, ganun parin sila... parang kahapon mo lang sila hindi nakita!

happy happy talaga.... si ayi lang ang wala. :( oh well.

Wednesday, May 23, 2007

mga pusa

ay badtrip, nabura lahat ng sinulat ko tungkol sa mga pusa ko kanina! arrrgh.... anywei. ulitin ko nalang...
natatawa ako kay Shang, yung aggit naming pusa, kasi pinakain ko sha ng oishi na may maraming wasabi... hindi nya na realize na MAaNGHANG pala yun! hahahaha... :) imaginine mo, pusang nakalawit ang pusa. ahahaha... mashado kasi shang matakaw e.. hehe.. pero mukhang nasarapan naman sha.
HAaay, andami na naming naging pusa... may namatay, may lumipat ng amo, at may kain lang ng kain...at may mga malalambing din.. may makukulit...
katulad nitong isang pusa ko na hindi ko nagawang ing obitwaryo... namatay sha early may. sa death bed nya (wala talagang kama, basta doon sa hinihigan nya), meow parin ng meow. ewan kung bakit.... akala nya siguro naiintindihan namin sha.. hindi naman... bait bait ng pusang yun... natutuwa nga don yung mga batang nagtitinda ng pandisal... ika nga nila "tingnan nyo o! ang amo nung pusa!!!"... paano ba naman, san ka makakakita ng ng pusang susundan ka mula bahay hangang sa dulo ng subdivision nyo (btw, malayo din yung dulo ng subd. namin)... natatkot nga ako kasi baka sundan pa nya yung jeep na sasakyan ko pag lumuluwas ako...
haaay... nakakamiss nga naman si kitty.. wala nang maingay sa bahay.. si shang nalang.... wala na akong kasamang maglakad sa kalye... pero ayus lang... alam ko nasa mas magandang lugar na sha, kaya, kitty sangdoo, PAALAM NA SAYU! miss ka na ng mga foot rug sa bahay... at miss ka na namin...

si kitty buong buhay pa