dear blog,
alam mo, sorry... sorry at naiiwan na kita mag isa. hindi na kita mashado nakkwentohan tungkol sa mga nangyayari sakin... hindi na ako nakakapagbuhos ng emosyon sayo.. pasensya na.
sige kkwentohan kita. summary lang kasi dami nang nangyari. (konti lang actually).
1. maligaya talaga ako at naipalabas namin ang aming pagtatanghal sa asian civ nuong nakaraang linggo. natutuwa ako sa mga nagsasabing "mukhang major production yan ah". haha. kung alam lang nila, nag cramming kami jan... ang gaganda ng mga suot ng aking mga kaklase. nagpahiwatig na may pakialam sila para sa presentation na to. nakakatuwa! meron man kaming hindi pagkakaunawaan nuong gabi ng paghahanda, naging maayus naman ang lahat. sobrang nakakapagod nga lang. parang 1st time kong maiyak sa pagod. narealize ko, na pag ikaw ang leader (mejo parang naging leader din kasi ako dito), hindi ka bibigyan ng recognition... IKAW ang magbibigay ng recognition sa mga ka group mo... ang tanging recognition lang na matatanggap ko e yung mga compliments. hehe. im not too big on recognition anyway. napaisip lang ako. at isa pa, at one point, feeling ko wala akong ginawa or konti lang. most of the time, when i do something, hands on ako. e eto, hands on din naman, pero nag delegate ng task. nawweirdohan lang ako. maganda ito for a "last performance" sa school.
2. dahil nakalanghap ng thinner sa pagpipinta at sa puyat ay bumaba ang resistensya. sumama parin sa mga llanto sister para mag gala sa tagaytay. halata sa litrato, namumutla na ako... pero picture taking parin. hehe.
3. full blown fever na ito. wow. badtrip talaga. inabot pa sa review ang aking umaapoy na temperatura, panlalamig ng katawan at paninikip ng paghinga. buti nakaka-absorb pa ako ng impormasyon. ang topic ay PEDIA. magaling ang lecturer. bunggaloid! :D
4. psych ang topic nanaman. :) hihi. sobrang natutuwa talaga ako kay sir KIKO. sobrang nakakatawa na hindi slapstick. eto:
- meron akong studyante, bawat pagpasok nya sa classroom nagbibilang ng ilaw.. tinanong ko kung bakit.. sabi nya ritwal na daw nya yun... e kung bigyan ko iyon ng christmas light (audience: LAUGHS)
- ale: (to sir kiko's friend) ikaw babae, sama ka ng sama sa bakla, na pagkakamalan ka tuloy pokpok!
kiko: (babbling to self habang hinahawi ang bangs)... eeh, ako lang naman ang kasama nito a... napagkamalan pang bugaw.. (audience: LAUGHS)
he was really FUNNY!!! and his facial expression, HILARIOUS! i'm gonna miss that guy. gusto ko shang maging friend. pero, unreachable. lol.
5. sa wakas, nakapagbayad narin ng mga tax. at least accomplished na iyon. wala nang problema. nakaabot ako sa 10% off! yeah! kape kape with ate aimee. excited na sha sa kasal nya. nahahawaan tuloy ako sa pagka excited. napa, sign up tuloy ako sa isang wedding website. LOL!
6. tomorrow is another day. manonood ako ng ALICE IN WONDERLAND. sana hindi ako ma disappoint.
ayun, so that ends my blogging for today. i will try to write more often. i missed you, dear blog! haha till next time!
Love,
Amo mo.