Wow! nagbblog nanaman ako... kelangan lang ng drainage ng overflowing random thoughts. kulang na kasi sa social life. hahaha. anywei... nakapanood ako ng Evan Almighty at totoo.... hindi binibigay saatin ang lahat ng gusto natin pero binibigyan tayo ng oportunidad na makuha o makamit ang gusto natin.
isang araw... 3 years ago (more or less)... may naiisip akong tao... ang pangalan nya ay joseph olivar.... si joseph olivar na naging kaklase ko sa christian school international nuong 1st and 2nd quarter ng highschool... mukhang mabait at talentado din. (maypagka autistic, dahil madalas shang pumunta sa isang sulok para mag guitara).. ang da best pa don, mukhang hindi nya napansin ang kadiring mga allergy ko noon... simpleng 'hi' 'hello', nakatutuwang pakinggan mula sa kanya.
...3 years ago... parang mantra kong sinasabi sa sarili na gusto ko shang makita ulit... HAPON... sa tapat ng starbuck 6750, nakakita ako ng isang lalaki na may mahabang, kulot na buhok... sabi ng utak ko,'KAMUKHA NYA!!!... baka SHA NGA YUN!!!'
=sigh= ito ang mga pagkakataong tinukoy ko kanina.... kung sinabi kong, 'joseph???' or.. 'do i know you from somewhere?'.. edi sana nagkatutuo na sana ang munting hiling ko... sayang ang oportunidad...
ngayun, minamantrahan ko ulit.
sheesh... eto pa...
nung banda banda pa kami ng BP nuon, nakakasalamuha namin ang mga mejo sikat... hindi... mga sikat talagang mga banda banda... kasama dito ang rivermaya.... sa mga music festival tulad ng fete delamusique, nakakajamming namin sila.... jologs mang pakinggan pero parang may pagtingin ako sa isang miyembro doon na nagngangalang japs (bahista)... (ng rivermaya a... hindi yung kabanda ko)...kanina lang nabasa ko na may bagong chikiting na vocalist ang rivermaya.... shempre ako naman si research sa internet... ng nakita ako ang friendster at myspace ni japs... sabi ko, 'ay, parang normal na tao pala sha'... di ko naman sinasabi na abnormal sha pero, kung baga, ang impression ko, hindi sha rockstar maniac ... anywei, sana nuong, rockstar pa ako (yak as if) e nakausap ko man lang sha... arrrgh... nakakautal kasi pagkumakausap ka ng idol mo o kahit na sinong sikat na tao.
mahiyain.. torpe... pweh!
nung una ko makita si japs... MTV music tour, sponsored ng pepsi... naka braided pigtails sha... cute cute nya nun... yeehee!
moral lesson: tulad nga ng sabi ni mygz, 'SEIZE THE DAY!'
p.s never akong naging rockstar... well... mejo lang... hindi joke lang.. wink wink.
No comments:
Post a Comment
say whut?