haaay. grabe, buti nalang nakaraos na ako sa lagnat at hika. siguro kung umkyat at baba ako ng hagdan, akoy hahapuin parin. pero mas maginhawa na ang pakiramdam kumpara nung mga nakaraang mga araw. nagstart ang lagnat ko noong July 3. Nagpunta pa ako sa EAC para may kunin na papeles. dahil, mejo nakakaramdam ng kakaiba, bumili ako ng facemask, at sinuot iyon pauwi... walang gustong tumabi saakin. akala'y may matinding virus ako.
sumunod na araw, pumasok ako sa OR duty namin... parang prijider ang OR theater. ang lamig! nanglalambot pa ako, buti nalang at, hindi ako ang scheduled na magassist. ako ang taga assign kung sino ang nagsscrub at mag 'cicirculating'. hehe.
sa OR parin kami, kasunod na araw. walang case dahil sunday, so nanood nalang kami ng case presentation. iba na talaga ang pakiramdam ko dahil inaatake narin ako ng hika. (weird nga kasi nauna yung lagnat na walang nararamdamang paninikip ng dibdib. nahuli na ang hika!)
nagaalalang nag dala ako ng A(H1N1) sa calamba, nagtungo ako sa aming Emergency department at nagpatingin... maraming pasyente dahil walang Industrial clinic dahil linggo. so natagalan ako bago asikasuhin. 38.4 C ang lagnat ko na non at hirap nanghuminga.
nung turn ko na, binigyan ako ng doctor ng salbutamol nebs, every 15 mins. wow! masukasuka ako sa gamot! nakakabangag... nanginginig at mabilis na ang tibok ng puso ko (side effect ng gamot yun). nasusuka na ako. buti nalang at andon si Aiza at si Czy. marami talaga ang pasasalamat ko sa kanila, dahil, kung wala sila, wala akong ibabayad sa gamot (yung facilities naman, wala na akong binayad kaya, ayus na rin, gamot lang talaga ang gastos). sinamahan nila ako doon. ngunit nauna narin sila. dumalo sila sa kaarawan ng kapatid ni ate aimee.
hika ko lang ang inatupag ng mga doctor. para bang binaliwala ang hinaing ko na may lagnat ako. kaya nga ako nag pacheck kasi baka may karumaldumal na impeksyon ako... "doctor, meron po akong lagnat, 3 days na." parang walang narinig si doctor, nakinig ng breath sounds ko "nako, meron pa, isa pang pausok ng combivent." kinausap ako ng kaunti, at lumayas na.. aysus... buti yung huling doctor, nag order ng CBC. ang sakit tumurok ng medtech... naiba ang anggulo ng karayong ng ilabas nya ito mula sa aking ugat... ARAY!
alas! mataas ang lymphocytes ko! VIRAL ang dahilan ng aking lagnat. oook... mejo nabahala ako don... hindi naman nag sswab test for A(H1N1) ang ospital namin. at ayoko naman mag punta ng RITM at baka lalong mahawaan ako ng sakit don. nabahala lang naman ako. alam ko naman na hindi nakamamatay ang virus nayun (ang strain naman ng virus dito ay yung mahinang klase... binabanas ang mga virus sa pilipinas, kaya hindi sila nagtatagal dito. haha).
sa sta cruz na ako nanatili ng 2 gabi. ayaw akong iwanan mag isa ni ate rochie, dahil pag emergency, wala akong matatakbuhan. ok din na sa sta cruz ako, at nakasama ko ang aking mga tita at lola, at mga pamangkin at pinsan. si Lola Estay, maaruga talaga. iniisip ko tuloy kung paano sha noong kabataan nya. Mahigpit daw sha kila mommy. pero maaruga. nakakalimot na si lola. maraming beses nya tatanungin kung nakainom na ako ng gamot. hinahapo na nga ako sa kasasagot. hehe. pero mahal ko ang lola ko kahit makulit. dapat sa mga matatanda katulad nya ay mahaba ang pisi mo. may short term memory loss na kasi si lola.
masarap tumira sa sta cruz dahil araw araw ay may sariwang pagkain. dito sa bahay, bukod sa wala kang kausap kundi yung pet mo sa pet society, e wala pang pagkain na masarap. pilitin ko man mag luto. sabi nga nila, masarap talaga ang pagkain pag hindi ikaw ang nagluto... o pangit lang talaga ang lasa ng mga luto ko. hrmph. kakalungkot naman. LOL.
guminhawa ang paghinga ako. hindi na bumalik ang lagnat. sumakit naman ang chan ko sa empacho. dami ko atang nakain. o siguro gawa ng gamot na pinapakain saakin. parang may kabag na ewan.
gusto ko lang magpasalamat sa mga kaibigan kong si aiza at czy, sa pag sama sa akin sa ER. si ate aimee narin sa pag aalala (kahit acting lang. LOL). kay presidente Kaye na nag text. kay ate rochie na nag hatid sundo mula sa sta cruz (na alam kong tanging pakay lamang ay makikain doon. JOKE. haha). salamat din kay tita mely at tita lucy, kay ate lita na nag luluto ng masasarap na ulam. kay LOLA ESTAY, na maaruga. kahit may short term memory loss sha, hindi nya nalimutan kung bakit ako naandon sa sta cruz. (para kay lola, considered short term memory yung info na nagkasakit ako). pati kay kuya mitchie and family na nag text kung ok na ako. SALAMAT ng MARAMI, family and friends! mabihay kayo! peace! :)