Travels

Friday, October 01, 2010

Birthday blog (LATE POST) #1

Sept. 28, 2010-Dahil hindi ko dala ang aking journal at wala nang space a aking phone (para maka pag 'blog'), dating gawi ulit - sa scratch paper nalang mag sulat. isang dakilang nars na ako dahil registered na. kulang nalang ay yung physical license at yung ID ko. shempre, practice sa hospital din.
kasama ko si Royce kanina... sa october 19 ko pa makukuha ang license ko.may mga pamilyar na mga mukha akong nakita kanina tulad ni Ruby at ni Justine. *haaay*... sana naman maging effective at maging efficient ako na nars pag nasa hospital na ako. kelangan ko talagang magsanay na maging mabilsi sa lahat ng mga bagay. kanina nakikinig ako kay Royce tungkol sa mga kwento nya sa hospital nakikinig palang ako, pagod na ako. IKAW NA ANG BAHALA SAAKIN, LORD!
---
Birthday ko nga pala ngayon. 28 years old sa September 28. buti hindi ako dinatnan ng birthday blues. pagod siguro kaya hindi na nakapag senti. haha. Gusto ko kumain mamaya sa indian resto. sa new bombay ako kakain mamaya. hindi naman ako makapagimbita kasi wala nang battery yung phone ko.Arggh. nagugugtom na ako!
---
Nakita ko yung sarili ko sa salamin kanina. ANG PAYAT KO!!! Gusto ko tumaba ng konti sa mukha. ngunit paano?! naku naman. kelangan mag plano na ako sa aking game plan... game plan sa buhay. gayun pa man, kelangan kong matutong mag chill. Chillax lang. wag mashadon OC. OCness wastes time. basta dapat organized ako. So help me God.

Amen.

2 comments:

  1. 28 on the 28th. nice. paano ba magpataba na sa mukha lang?

    ReplyDelete
  2. @redairkson. yun ang malaking katanungan. haha. ewan kung pano tataba sa mukha lang. hehe

    ReplyDelete

say whut?