Travels

Monday, December 10, 2007

searching

ang tagal narin ng blog nato! grabe. imagine noong 2004 pa. e pano kaya kung hindi nabura yung blog-city ko, relic na yung mga mga nasulat kong yun? hahaha.. pano ang naka-inspire saakin na magsulat noon ay si chinito_pogito... wala narin shang blog ngayun dahil mashado nang laganap ang pagbblog... jologs na kung baga... pero para saakin depende parin naman... ang mga taong nagbblog sa friendster o sa multiply lang naman ang natuturingang jologs.. hehe,, no offense sa mga tao may friendster at multiply dahil ako meron ding mga accts na ganun... tho minsan lang ako magsulat ngayun.... sa totoo lang nagbblog parin naman ako pero hindi na mashado online... mas madalas na sa papel... old style.
anywei, nagpapasalamat din naman ako sa mga online networking dahil sa pamamagitan nito ay nakakasagap parin ako ng mga balita mula sa outside world... lalo na ngayun wala akong social life.... kanina nga, nakita ko ang profile ni tristan bael sa friendster... hommies na sha ngayun... iba talaga pag nagiging laking america ang mga tao.... kaklase ko sha nung elementary, 3rd grade yata... then nagtungo sha sa australia (?) . then back to the phils at naging classmate sa sci-tech... matangkad ang gwapo noon. hindi naman mashado nagbago ang mukha nya. at ganun parin ang ichura ng kanyang kuko sa daliri.. ganun parin pero mas nagmature nga lang. meron narin shang kasintahan ngayun... haha.. natatandaan ko noong mga panahong pinagpapantashahan no mex yung lalaking yun. hihihi... ngayun very american na ang aura nya.... napapansin ko, si biboy, malapit narin maging ganun! very western...

hrmmm... naisip ko lang... pag may mga klasmate kaya ako na makita ang profile ko, hindi kaya magbabago ang impression nila sakin? hindi naman ang ang pinakasikat sa klase... ang loser nga ng dating ko nun e... batang bato na walang pakialam sa mundo... pero shempre, habang dumadaan ang panahon, mas nagkakaroon ka ng muwang sa mundong pumapaligid sayu, at binagago ka nito... hinuhubog... ganun ang nangyari saakin... hrmmm.... napapaisip lang... minsan gusto ko sila makita ulit... mga kaklase ko noon.... gusto ko rin makasalamuha at kamustahin ang 'not so popular' kids noon... balita ko nga successful na sila ngayun, katulad ni van... biruin mo nga naman, ngayun, accountant na sha sa isang bangko...(nabalitaan ko kay kuya nino na schoolmate ko pala ngayun sa cdh)... si kuya nino, matatapos na sa kurso nya... magiging nurse na sha at mangignibang bansa narin... nakakatuwa rin. :) gusto ko malaman ang storya nilang lahat!

at sha nga pala, sila emem, ang bestfriend ko nung hs, nakatira na sa magandang bahay ngayun! parang ayala alabang.. ang daming nagbago! daming nagimprove sa buhay ng mga tao. si cel, happy na sa pamilya nya. si vernon, asa singapore at nagaaral, at si lala, may boypren na! oha!

may ni reresearch pa akong isang naging classmate, pero wala, hindi ko makita.

No comments:

Post a Comment

say whut?