Travels

Monday, October 27, 2008

piggyback ride

pagnapapadaan ako sa may harap ng isang hotel patungo sa MRT, napapakanta ako ng..

i remember
you walkin in the rain
no umbrella with your arms
around me
how can i forget
that was the last time...
isa saw you...

waiting for a taxi
getting on without me
and your sorry
how can i forget
that was the last time
i saw you

blah blah blah...

parang walang sense yung kanta kasi hindi ko alam ang buong lyrics....
nagiging sentimental lang bigla... kasi ang weird nuong panahon nayon... masaya pero weird...

natandaan ko tuloy si tim at tam nuong nag 'date sila'. si tim yung lalaki... si tam yung babae... si tam hindi talaga sha marunong makipag date...

int. sa chowking ng bandang alas quatro ng hapon. nakapila si tim at tam para bumili ng halo halo...

si tim ang unang nakapagorder sunod si tam...
bumubunot ng ng wallet si tim ng pera mula sa kanyang wallet...

tam: hindi, wag na, ako nalang. treat kita. (smiling face pa. nagniningning ang mga mata sa kilig)

utak ni tam: huh? tama ba ting ginagawa ko? dapat ang lalaki ang nang lilibre ah! hrmmm... pero sa bagay, less fortunate naman sha kaya, sige go lang...

hayun. masayang nag kwentuhan si tim at tam. nagkakilala sila ng masmalalim... pero mejo lang... nakangiting kumain ng malinamnam na halohalo si tim at si tam....

si tam, iniisip parin nya kung tama ang nanyari sa date nila... hrmmm

ito isa pang situation...

pagkatapos nila manood ng isang poetry reading sa picc, sinamahan ni tim si tam sa may MRT station... alas diyes ng ng gabi at umaambon... nakabukas ang mga poste ng dilaw na ilaw na nakahanay sa ayala ave...

tim: halika... kargahin kita! (habang pumopormang lumuhod para i piggy back ride si tam)

kilig si tam!!! PERO...

utak ni tam: sh*t! baka mafeel nya yung boobs ko.. parang ang bastos ko naman mag isip... teka...

tam: ah eh... wag na! mabigat ako! at chaka tusoktusok... ikaw nalang ang bubuhatin ko. :)

utak ni tam: p*tch* wrong move nanaman ata... oops..

tim: uhhh... osige...

hayun, nag piggyback ride na silang dalawa.. Binuhat na ni tam si tim.

so, ayan ang isang parte ng scenario ni tim at tam sa kanilang love story... rather... MU story... kasi never naman naging sila.

ayan... galing no? nakagawa ako ng MU story. hahaha. :)

No comments:

Post a Comment

say whut?