Ha! nakakatuwa naman. feeling ko nanalo ako ng scratch a lotto kanina ng nalaman kong napapasok sa top 30 ang isa sa mga na submit ko sa fppf. :D nakakatuwa. akala ko disqualified ang aking mga obra dahil mejo may pagka 3d at 2d yun. nagulat nga ako at nasa group ng mga isasalang yung bubble like chandilier ko. sabi ko pa nga na kung hindi man ito matanggap, ireregalo ko ito sa aking kaibigan na may kaarawan. hehehe. kahit top 30, parang isang malaking karangalan narin na napansin kahit papano ang aking litrato. yahoo! :D
eto yung nakapasok. :D
isa pang nakakagulat na pangyayari, biglaan naman ako napasali sa boggle competition ng fppf. mehn naman. hindi naman po ako prepared. nakalimutan ko na kung paano maglaro ng boggle. tas bawal pa ang 4 letter word. pffft.. anyway. natuwa naman ako kahit papano. parang get together at katuwaan lang ng mga kapwa photog.
serious na serious naman sila. hahaha! ako parang "nooninooninooo" lang... nagmamasid sa mga mukha nilang seryoso. nyahahaha. sa set 3 lang ako mejo may nai-contribute. hehehe.
eto nga pala yung banner na may logo kami! hihi! ayos!
bago pala namin tinahak ang maulang tanghali papunta sa fppf, nagpunta muna kami sa FEATI para suportahan si Mez sa pagkuha ng litrato ng mga cosplayers. haaay... nakakapanghinayang ang iskwelahan nila. alam kong maganda dapat ang plano sa architecture ng gusali nila. mukhang naubusan ng funds at hindi na pinagpatuloy ang paggawa. ruins ang school na iyon. tskkk. kala nga namin ni cher keneth, merong swimming pool sa loob. yun pala, binaha lang.
hindi pa naman nag simula kaagad ang pageant. mga alas dos daw nag simula. pero alas tres na kami umalis ni cher keneth mula sa fppf pabalik ng feati.
Hindi ko hilig mashado mag picture ng mga cosplayers noon... . pakiramdam ko pa ay wala akong mga pondo sa aking pinagkukuha kanina. pero nuong ni-review ko yung mga litrato, ok pala.. mukhang tunay na anime sila sa litrato...
hahaha...
pero, ayun nga... dahil inabot kami ng mabagal at nakakainip na trapiko, may oras para mag munimuni at mag kodakan sa loob ng bus.
Malulan sa labas
NAG-ENJOY DIN AKO! shempre dahil nakita ko si Mez at RJ. Thanks Mez, sa pag-invite! sa uulitin. :)
ok naman ang lakad namin. kulang nga lang dahil"
1. hindi ako nakaattend ng birthday celebration ni mark. pffft. i feel bad about it.
2.hindi kami nakarating sa BGC para sa canon seminar (ayos lang at hindi naman talaga aabot)
3. ... okaya, baka ang dahilan kung bat ko gusto pumunta sa BGC ay para makaranas ng magandang tanawin at malamig na aircon na hindi ko nakamit kanina.
si cher keneth, hindi pa tapos ang araw nya (gabi rather) dahil magkukuha pa sha ng litrato ng rap group na kiriko. album launching kasi nila.