Travels

Friday, July 29, 2011

Kasal bangugot

"Lord, salamat. panaginip lang!".
Yan ang unang dasal ko pagising ko kaninang umaga. nuon lang yata ulit akong gumising na naka kunot ang noo. ang sama kasi ng panaginip ko.
Kinasal daw ako sa isang lalaking hindi ko kakilala. siya ang pinakasalan ko dahil yung gusto ko raw ay hindi na "pwede". yung lalaki, kamukha ni bo sanchez. eksato, may nunal din. sabi ko, mabait naman e. sha nalang. at least pwede. andon nga si ate madie (ang role nya daw ay tumulong sa pag decide kung ano ang gagawin ko)..
tinawagan ko daw si bo sanchez look-alike para tanungin o magpropose. aba, at pumayag ang bruho.
so, ayun. kinasal na daw sa huwis. pagkatapos ng kasal, sa hallway, nakasalubong ko sha. sabi ko, "hi husband." at nag high five kami. mehn, ang gaspang ng kamay! isip isip ko, yan ba ang lalaking pinakasalan ko???? OMG! sabi pa nya, "uwi na tayo."... sa loob loob ko, AYOKO NGA!!!! waaah!!!!
"Ano ba ang pinasukan ko???"... at may problema pa pala! hindi alam ni mommy at daddy na kinasal ako! talagang sa panaginip e namumrublema pa ako kung paano sasagutin ang mga tanong na what? who? where? when? how?

hindi ko na nga narinig ang pag alarm ng cellphone ko. 6:05am na ako nagising! booo!

No comments:

Post a Comment

say whut?