Babaylan
by Talahib
Nagbabangon ang mga babaylan
Sa mga bukud at pagawaan
Kinikitil ang sumpa ng nakaraan
Nagbabangonm ang mga babaylan
Libong Ulit na kayong pinatay
Kaytagal nyo na ringnahimlay sa hukay
Ngunit sa pakikidigma ng bayan
Muling nagbabangon ang mga babaylan
Libong ulit ng lakas ng tinig
Nagpupumiglas ang itinaling bisig
At sa bawat babaeng nais lumaya
Nagbabangong ang mga babaylan
** isa sa pinakapaborito kong kanta ng talahib. sooooobrang asteeg talaga nila abot langit!!! sobrang naiingit ako dahil gusto ko sumali sa tugtugan.. pero masarap din palang maging audience.. at masarap din mag document.. nagppichur kanina sa kanila.
** isang forum ang naganap sa terminal ng jeep sa alabang kanina kung saan pinagusapan ang mga naganap sa Hacienda Luisita.. pagkatapos ko marinig at mapanood ang handog ng Aklas Sining (mga tugtugan at video), nagulinta ako sa maraming bagay.. bakit ganun? bakit kailangang may masaktan o mamatay sa hindi pagkakaunawaan o sa lamangan?.. bakit ba maraming tao ang hindi nabibigyan ng hustisya? bakit ba ang gobyerno, hindi nila magawan ng paraan mabigyan ang mga tao ng sapat? kung meron man silang ginagawa, bakit nangyayari parin ang mga aklasan, ang gera... ? ito ba ay dahil mangmang ang masa at hindi nila maiintindihan and dahilan kung bakit kailangang magsipsip pa ke "big brother"? O maaaring nakaligtaan ng mga capitalista na marami paring pilipino ang nagiisip...? hrmmmm... maraming katanungan ang umiikot sa utak ko... marami ang hindi ko masasagot.. pero ang saakin lang, sana hindi nalang humantong sa mapait na trahedya ang mga mga nasawi sa hacienda.. mabigyan sana sila ng hustisya.. nakakalungkot.. sana matigil na ang korapsyon, ang tunay na cancer ng bansa.... mga kurap ibaun sa lupa!
** P9.50/ day ang sweldo ng mga manggagawa sa HL!!! Lintik.. mabubuhay ba sila nyan?
** artist of da month
Loi - Best supporting vocalist
Domeneng - Best Multipurpose Percussionist
** sobrang idol talaga itong dalawang ito! asteeg!
** wala lang... bigla akong may natuklasan... aktwali noon ko pa naiisip ito... pero tatatakot ako... yikes!
**++ hug ko ikaw ==*
No comments:
Post a Comment
say whut?