Travels

Sunday, January 30, 2005

mall adbenchur

Nagkita kami ni connie sa glorietta kanina. natutuwa ako kasi parang isang dekada rin kaming hindi magkita (pero actually, last last last week lang kami huling nagkita). as usual na mall tripping, hanap ng free food, free drinks at sukat ng mga bagay bagay sa mall kahit hindi bibili.. oist pero wag ka, bumili ako ng tahong crackers, kasoy (nahiya lang ako don sa ale kasi dami ko nakain), sweet n spicy cornicks at yung parang breadsticks na masarap. nakakabusog! solb nako don! yun nga lang nasunog ang bulsa ko. btw, meron din palang free soup don sa g4. bumuli rin ako ng headband para sa replacement don sa nawala. hrmmmm... bumili ako ng icecream bago umuwi...

kakatuwa yung class namin kanina. si ms. sapitan nanaman ang teacher. asteeg! Meetings and conferences ang npagusapan. pero parang palagi nalang nalilihis sa topic. makwento sya kaya ok lang. sana pag tanda ako, ganun ang tayu ko. parang "hi hello" ang ichura nya parati.

hrrmmm..just a reflection. ngayung mga panahon na 'to, parang nahihiya na akong magimbita para sa mga usual tambay namin noong unang panahom. pero ngayun, tatakot ako.. baka kasi sawa na sila sa ganong set-up o wala na pakialam...pero ok lang kasi kanya kanya na kami.. kailangan lang maging mature... haaaay... ayoko na maging malungkot (grrrh!!! ang touchy ko nanaman! sakit nato ah)... pero pramis masaya ako kanina kasi kasama ko yung kaibigan ko at puro kalokohan din. para kasing kanina lang ulit ako nakakita ng tao hehe. namiss ko nga lang si jen. kasi pag tatlo kami, para kaming tatlong mask rider black... free spirited indies din mga yun e.. :)

No comments:

Post a Comment

say whut?