Good luck naman! 10-6am ang schedule kagabi/ kanina sa hospital. dahil kinailangan kong mag lakad ng papeles, nag tungo ako agad ako sa calamba... walanjo, ang init! para akong tinutusta sa paglalakad ko sa init ng araw. btui nalang, nakasakay ako sa airconed na bus.... dumating ako sa bahay. parang ghost town. tahimik.... maalikabok... ang lungkot. dahil sa pagod at gutom sa paglalakbay, namahinga muna ako. tutal, 11:30 am na, mag lulunch pa ang mga pupuntahan kong mga opisina. isang oras lang ang tambay... sakto, 12:30pm ako nag lakad sa village namin. para akong nasa tiyan ng dragon, aba! (ulet, ANG INEEET!)
Unang stop: sa Bangko.... WOW! SARADO! hebigats nga naman. so, one errand -UNDONE...
Pangalawang stop: sa SM... ok, nag palamig muna... nag lista ako ng bibilhin: cereals, water bottle (kasi mag ggym ako.. naks). eto pa, protein shake (kasi nga, mag gym e, kulet!), specific bag na hindi ko ma-explain ang ichura at oil of olay... mapapagastos ako kaya inisip ko na hindi ko lahat bibilhin. prioritization kung baga. shempre ano ba ang uunahin ko, chan o mukha? shempre mukha! lol! napabili ako ng Oil of Olay. may thought bubble kasing sumulpot sa utak ko e.. sabi nung model sa tv, "you only have one face, so better take care of it." . tama naman sha diba? kahit ano pang ichura ng mukhang yan, kailangan alagaan! napagastos tuloy ako ng mahal. hrmmm, matagal naman maubos yun, kaya ayos lang. pero ayun, ubos ang raket money. good luck! :D
Pangatlong stop: Post office (nagbabakasakaling bukas.. sayang pamasahe e). SARADO DIN! *ggrrr*
Bakit meron sariling holiday ang calamba, hindi ko man lang alam! late notice pa!
wala halos akong nagawa!!! umuwi nalang ako... bangag!