Travels

Tuesday, April 26, 2011

Late Post (An excerpt from my written Blog) Aliwan Festival

April 16, 2011
Nagpunta kami nila Keneth at RJ sa Aliwan Festival para sa FPPF activity. :) Kaming 3 ang nagrepresent ng Klik. ahehehe! Naks!
Eto kwento lang sa mga pangyayari..
Kakatawa, pareho kaming walang dalang malaking pera ni Keneth patungo sa maynila. P270 lang ang dala ko. Isip ako ng isip kung paano ako makakasurvive sa araw na yun kasi pakiramdam ko magkukulang na ung nasa ATM ko. Buti naman at meorn pa naman laman. hehe.
Bagong raket si RJ Domen, kaya sha ang nanlibre ng taxi. :) salamat RJ! haha. 3 kaming nag punta sa Aliwan Festival
Sa FPPF, puro (karamihan) tanders ang mga photographers. Ibang iba sa Klik at puro kabataan kami. LOL! sabi samin ni sir Nix T., meron daw libreng shirt and cap pag dumalo kami sa event na yun. Meron nga! OLYMPUS ang tatak! agn siza na available ay medium lang. kaya yung mga matatabang photographers doon ay nagmukhang winnie the pooh. pero sa iba naman e bagay dahil nagmukhang muscle shirt... sa akin? mukhang pang tulog! laki kasi. wala silang medium na small. hehe.
Ang sarap kumuha ng litrato don sa event. ang daming kulay kasi.
ang daming tao. ang gaganda ng mga floats. pero nakapag picture lang kami sa preparation stage. di kasi makasiksik sa dami ng tao. sayang. pero ok narin. sana lang ay may pondo. naka telephoto lens kasi ako.
di maipinta ang ichura ng mga kasama ko.... siguro hindi narin maipinta ang ichura ko nun. mukhang haggard. ang iniiiiiit kasi!!!! kakapagod din! buti hindi naman ako nagmukhang dalmatian pagkatapos magbilad sa araw.
dahil hindi na kami nakaparada, nagpunta nalang kami sa MOA. nag pa-aircon. kumain. nag-kape... chillax lang. uwian narin pagkatapos. masaya din. sana kasama yung ibang taga klik. sipag naming tatlo mag adventure e. haha! sa susunod ulit. sana mas maraming sumama next time.

No comments:

Post a Comment

say whut?